Friday, August 12, 2011

"AKO BILANG ISANG BAGAY"

Kung ako ay ihahalintulad sa isang bagay, ang gusto ko ay isang sapatos. Bakit isang sapatos? Bakit nga ba? Dahil katulad ng mga sapatos na sinusuot natin, madami na akong napagdaanan, ang mga daanang malubak ay maihahalintulad ko sa mga problema o mga pagsubok na nalagpasan ko na at ang mga daanang maganda naman ay nagsisilbing palatandaan ng aking tagumpay sa bawat pagsubok na dumating sa aking buhay. Ang sapatos kung titignan natin sa panlabas na anyo ay isang maliit na bagay lamang, pero kahit na maliit ito, malaki naman ang naitutulong nito sa atin. Hindi nito hahayaang magpaltos ang ating mga paa sa init ng daan, hindi rin nito hinahayaang masugatan tayo kung merong mga matatalim na bagay sa daan tulad ng isang basag na bote. Ang sapatos ay hindi natin maaaring kutyain ng basta basta, kahit gaano kapangit ang disenyo, kahit galing lamang sa ukay-ukay at kahit na ibinigay lamang sa atin, mapakikinabangan parin natin ito.


Ganyan din ako, ang mga mahal ko sa buhay ay hindi ko pinababayaan, at hindi mo ako maaaring husgahan hangga't hindi mo ako lubusang nakikilala. Ang sabi nga ng iba, kahit na makita mo ang panlabas na anyo ng isang tao, hindi sapat iyon para husgahan mo siya.

No comments:

Post a Comment