Wednesday, October 5, 2011

"Para kay Sir Jayson"

Para kay Sir Jayson,
     
        Magandang araw po sa inyo, nalalapit na ang araw ng semestrehang bakasyon at sa totoo lamang, hindi ko alam ang sasabihin sa post na ito pero gagamitin ko na ang pagkakataong ito para magpasalamat sa inyo sa lahat ng mga kaalamang naibahagi mo sa akin o sa amin. Sana ay 'di ka magbago at sana ay 'wag niyo po kaming kalimutan. Kayo ay naging bahagi din sa aming buhay at sana ganun din kami sa inyo.
     
        Magaling po kayong magturo at mabait pa, hindi kami nainip sa iyong stratehiya ng pagtuturo kaya marami kaming natutunan. Muli, maraming salamat sa iyo Sir Jason.
                                                                                                                                 
                                                                                                                                 Ang iyong estudyante,
                                                                                                                                            Victor Soriano

"Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110"

Sa asignaturang ito natututo ako ng iba't ibang kaalaman hinggil sa retorika o sa asignaturang "Filipino" na noon ay hindi ko pa alam, sa madaling salita, merong mga kaalaman na nadagdag sa aking isipan. Ang mga kaalaman na ito ay hindi mananakaw ng sino man sa akin, kung kaya't ang mga ito ay itinuturing kong kayamanan. Kagaya nga ng sabi ng iba, ang kaalaman ng isang tao ay isang bagay na hindi maaaring kunin nino man. At syempre hindi ko o namin matututunan ang mga ito kung wala ang aming mahal na guro na si "Sir Jason". Sa post kong ito, nais ko s'yang pasalamatan sa mga naituro niya sa amin, maraming salamat sa inyo sir. Ang karanasan sa asignaturang ito para sa akin ay isang masayang karanasan, marami din kaming ginawang mga aktibidades at habang kami ay nagkakasiyahan kami rin ay natututo. Sayang nga lang dahil ang ibang mga gawain ay hindi na namin nagawa, dahil siguro sa kakulangan ng oras. Ang karanasan kong ito sa Filipino110 ay isang karanasang hindi ko malilimutan.

"Ang Sining ng Aking Pangalan"

John ang ibinigay saking pangalan
O kay sarap sa tenga kung pakinggan
Hindi ko talaga malilimutan
Nang sa mundong ito ako'y isilang

Victor ngayon ang tawag nila sakin
Isang mananayaw doon sa amin
"Careless Whisper" akin ding inabutan
Todong todo ito sa kasikatan
O ano pa nga ba'ng masasabi ko?
Respeto ang para sa Pilipino