Thursday, August 18, 2011

"SI P-NOY PARA SA MGA PINOY"

Sabi ng nakararami, ang pangulo ang nagsisilbing utak ng bansa. Sa ngayon ang ating presidente ay si Pangulong Benigno Aquino II, sa madaling salita tayo ngayon ay nasa administrasyong Aquino. 


Kung ating susuriin, maraming mga pangulo na ang naglingkod sa ating bansa, marami ang nangako, at karamihan sa kanilang mga pangako ay napapako. Ngayong taon na ito, ano nga ba ang mga pangako ni Presidenteng Noy-noy sa atin o sa taumbayan. Para sa akin, maayos naman ang kanyang mga ginagawa, ngunit meron lamang akong napansin, sa aking palagay ay masyado s'yang kampante o "relaxed", para s'yang "easy-go-lucky". Sana lamang ay ginagawa n'yang mabuti ang kanyang tungkulin at ang tanging hiling ko lamang sa kanya ay tuparin n'ya ang kanyang mga ipinangako sa mga mamamayan ng ating bansang Pilipinas.

Saturday, August 13, 2011

"ANG AWIT NG AKING BUHAY"

"NOYPI by BAMBOO"


Ito ang napili kong awit ng aking buhay. Napili ko ito dahil ang mensahe ng kanta ay tila ang aking sarili. Ako, kahit na nahihirapan na sa dami ng mga problema, hindi ko nakakalimutan na magsaya kahit papaano, kahit na saglit lamang. Naniniwala kasi ako na hindi lahat ng problema ay kailangang problemahin natin ng sobra, minsan kasi dahil sa sobrang pamomroblema natin hindi nadin natin nakikita ang solusyon. Handa din akong tumulong sa iba kung kinakailangan. 

Gustong gusto ko ang kantang ito sa dahil Diyos talaga ang aking sikreto para magawa ang lahat ng mga bagay, para malagpasan lahat ng pagsubok na dumadating sa akin. Naniniwala kasi ako na hindi naman S'ya magbibigay ng mga pagsubok na hindi natin kayang lagpasan. Ito ang awit ng aking buhay, "noypi".

"SAMPUNG TAON MULA NGAYON, HETO NA AKO!"

Lahat tayo ay may mag pangarap sa buhay na gusto nating matupad. At para matupad ang mga ito, kailangan nating magsumikap. Sampung taon mula ngayon, nakikita ko ang aking sarili, dalawampu't walong taong gulang na at nagtatrabaho sa isang kumpanya. Nagsusumikap kumita ng pera para matulungan ang aking mga magulang, para maiparanas ko sa kanila ang mga bagay na hindi pa nila naranasan noon. Inalagaan nila kami ng mga kapatid ko noon at ngayon, ako naman ang mag-aalaga sa kanila. Nakikinikinita ko rin na natagpuan ko na ang babaeng mamahalin ko at mamahalin din ako. At dahil doon lalo akong nagsumikap para makapag-ipon para sa kinabukasan ng aming itatayong pamilya. Masarap isipin ang mga gusto nating mangyari sa hinaharap, pero hindi sapat kung puro isip lamang ang ating gagawin, kailangan natin magsumikap at magpunyagi para makamit ang mga ito.

"SI CRUSH"

Madaming tao ang may crush, ang iba nagkakacrush dahil maganda ang isang tao at meron din namang dahil sa kagandahang ugali nito. Lahat tayo may kanya kanyang dahilan para magustuhan o hangaan ang isang tao. Syempre ako man ay may crush, naging crush ko ang babaeng ito dahil cute s'ya sa tingin ko, at mukha naman s'yang mabait. 'Wag n'yo nalang sasabihin sa kanya na crush ko s'ya, baka kasi mahiya ako. Ito ang kanyang larawan na kinuha ko mula sa "FACEBOOK".


Cute s'ya 'di ba? S'ya nga pala si Joana Gapuz, nakatira sa Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija. Sa totoo lang hindi ko pa s'ya gaano kilala kasi hindi naman kami "close" kaya wala ako gaano masasabi tungkol sa kanya. Kayo? Sino naman ang taong hinahangaan n'yo?

Friday, August 12, 2011

"AKO BILANG ISANG BAGAY"

Kung ako ay ihahalintulad sa isang bagay, ang gusto ko ay isang sapatos. Bakit isang sapatos? Bakit nga ba? Dahil katulad ng mga sapatos na sinusuot natin, madami na akong napagdaanan, ang mga daanang malubak ay maihahalintulad ko sa mga problema o mga pagsubok na nalagpasan ko na at ang mga daanang maganda naman ay nagsisilbing palatandaan ng aking tagumpay sa bawat pagsubok na dumating sa aking buhay. Ang sapatos kung titignan natin sa panlabas na anyo ay isang maliit na bagay lamang, pero kahit na maliit ito, malaki naman ang naitutulong nito sa atin. Hindi nito hahayaang magpaltos ang ating mga paa sa init ng daan, hindi rin nito hinahayaang masugatan tayo kung merong mga matatalim na bagay sa daan tulad ng isang basag na bote. Ang sapatos ay hindi natin maaaring kutyain ng basta basta, kahit gaano kapangit ang disenyo, kahit galing lamang sa ukay-ukay at kahit na ibinigay lamang sa atin, mapakikinabangan parin natin ito.


Ganyan din ako, ang mga mahal ko sa buhay ay hindi ko pinababayaan, at hindi mo ako maaaring husgahan hangga't hindi mo ako lubusang nakikilala. Ang sabi nga ng iba, kahit na makita mo ang panlabas na anyo ng isang tao, hindi sapat iyon para husgahan mo siya.