Sunday, July 24, 2011

"AKO ITO"


Ako nga pala si Victor, ang buo kong pangalan ay John Victor M. Soriano. Ako ay pangalawa sa aming magkakapatid. Medyo may kalokohan din kahit papaano. Mahilig akong magsayaw, sa katunayan ako ay kabilang sa grupo na kung tawagin ay "JOBOYS".


Mahalaga sa akin ang sayaw, bakit? dahil ito lang ang talento ko na napag-ibayo ko. At sa sayaw rin maaari kong ipakita ang aking nararamdaman. Sa ngayon, ako ang kinikilalang "choreographer" sa aming grupo. Sa pagbubuo ng sayaw, hindi ako mahilig mangopya ng isang buong "dance routine" sa mga partikular na grupo, mas madalas na pinaghahalo-halo ko ang mga ideyang napupulot ko. Pinagsisikapan ko din na makabuo ng isang orihinal na "dance routine". Mas masaya kasi ang aking pakiramdam kung orihinal ang nabuo kong sayaw dahil maipagmamalaki ko ito sa aking sarili. Para sa akin mas mahalaga ang isang bagay na naipagmamalaki mo sa iyong sarili kaysa sa iba. Dahil paano mo ipagmamalaki ang mga bagay bagay sa ibang tao kung sa sarili mo mismo ay hindi mo magawang ipagmalaki, parang niloloko mo lang ang sarili mo pag ganun 'di ba? Mahilig ako manood ng mga sayawan. Madalas sa "youtube.com" ako nanonood. Iba't ibang sayaw at mga "dancers" na ang aking napanood at ang karamihan sa kanila ay hinangaan ko. Pagsubok din para sa akin ang mga napapanood ko, gusto ko kasing makagawa ng iba't ibang "dance routines" tulad na lang ng "krumping", "popping" at marami pang iba. Ibahin naman natin ang usapan, sabi ng iba mabait ako, sabi ko naman sa sarili ko mabait nga ako. Ayoko kasi ng mga away, kaya ang nakatatak lagi sa isip ko dapat matututo akong magpakumbaba. Pero syempre hindi naman natin maaalis ang kayabangan. Hindi naman siguro masamang magyabang basta huwag lang sosobra, tama ba? Ito ang aking sarili, sana ay mas nakilala ako ng nagbabasa nito.

No comments:

Post a Comment