Sunday, July 24, 2011

"ITO ANG PAMILYA KO"

Noon, lima kami sa aming pamilya, ako ang ate ko, ang bunso namin at ang aming mga magulang. Pero ngayon walo na, idagdag mo na ang bayaw ko at ang kambal kong pamangkin. Ito ang aking ate, si Diana Mae M. Soriano nung wala pang asawa, ngayon ang apelyido na n'ya ay De Vera.


Malapit kami sa isa't isa ng ate ko. Bakit nga ba kami malapit sa isa't isa? siguro dahil parehas kaming kalog. Mahal na mahal ko itong ate ko na ito, hindi lang kapatid ang tingin ko sa kanya kundi isang kaibigan nadin. At ito nga pla ang bayaw ko, si Randy De Vera.


Astig din ano? Pero mabait yan, magkasundo naman kasi kami at alam ko din naman na mahal na mahal n'ya ang ate ko. Kaya nga masaya ako para sa kanilang dalawa eh. Sana huwag magbago ang pagmamahal nila sa bawat isa. Ang susunnod na larawan ay larawan ng aking mga pamangkin.


Ang "cute" nila ano? Parang inedit lang sa Adobe Photoshop. Ang mga pamangkin ko na ito ang nagbibigay saya sa aming lahat sa bahay kahit na pagod kami. Inaasahan ko na sana ay lumaki silang mababait na bata. Nasa paggabay din naman namin yun 'di ba? Kaya dapat lagi namin silang ilagay sa tamang landas. Ito naman ang kapatid kong bunso, si Justin Jan M. Soriano.


Hindi kami magkasundo niyan pero syempre mahal ko din 'yan kahit na araw-araw nag-aaway kami. Hindi ko naman alam kung bakit lagi kami nag-aaway. Basta, makulit kasi s'ya, tapos makulit din ako, malamang nagkakakulitan na lang kami palagi. Ito naman ang aking pinakamamahal na mga magulang. Si Reynaldo Soriano at Marlene Soriano.


Pasensya na, wala kasi akong ibang picture nila na magkasama. Ang mga magulang kong ito ay mahal na mahal ko. May mga pagkakataon na nasasagot ko sila ng pabalang, pero kahit na ganun hindi ko naman sila kayang tratuhin ng masama. Pasaway kasi ako kaya kami nagkakasagutan, pero ayus lang yun dahil pinaparamdam ko naman na mahal na mahal ko sila. Kahit na ganito akong medyo maloko, sinisigurado ko sa kanila na hinding hindi ko sila iiwan sa ere. Kaya kong huminto sa pag-aaral kung kinakailangan para lamang sa kanila. Handa akong tulungan sila sa abot ng aking makakaya. Kaya sa lahat ng makakabasa ng post na ito, isa lang ang mensahe ko sa inyo, mahalin n'yo ang pamilya n'yo dahil nag-iisa lang sila na kadugo mo at kalaman. Kahit ano pa ang mangyaring pagsubok sa inyo huwag na huwag kayong bibitiw dahil hindi naman ibibigay ng Panginoon ang pagsubok na iyon kung alam N'ya na hindi natin kayang lagpasan. At gusto ko nga palang malaman ng lahat na mahal na mahal ko ang pamilya ko.

No comments:

Post a Comment